hxSRoM3FI6iR4DIkdlU6Vqb2SdY The Gabble Mouth: Bago sagutin ang Azkals player, Phil Younghusband sinamahan ni Angel Locsin na magpatuli

Sunday, July 1, 2012

Bago sagutin ang Azkals player, Phil Younghusband sinamahan ni Angel Locsin na magpatuli


ANO itong nakakalokang usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz na parang wild fire na kumalat matapos maglabas ng isang blind item ang isang radio programatungkol sa isang celebrity couple na finally ay inihayag na sa publiko ang kanilang official relationship?
Obviously, ang tinutukoy ay ang award-winning actress na si Angel Locsin at ang Azkals striker na si Phil Younghusband. Nagpahayag pa nga si Phil sa ABS-CBN news noong nakaraang Miyerkules na “It’s a great feeling, ang sarap ng feeling na official na together and in love. Sobra, we’re so in love and it’s such an amazing feeling.”
Pero may malaking twist sa exciting at nakaka-inlove na kuwentong ito. Noong Huwebes hang hapon, saKliq Showbiz ng Radyo Inquirer hostd by Jen Cruz at Ervin Santiago ay isang nakakaintrigang tanong ang pinalutang ng nasabing programa. Nagpatuli raw muna sa isang kilalang ospital ang boyfriend ni aktres bago nangyari ang public annoucement.
Dagdag pa ng blind item na sinamahan pa raw ni celebrity actress ang kanyang boyfriend para “magpatabas ng ekstrang balat”.
After giving the details and the clues, ang reaksiyon kaagad ng mga tsismosa at beking nakasagap ng balita, eh, “Si Phil Younghusband ba ‘yung tinutukoy sa blind item ng DZIQ?”
Bagama’t hindi tinukoy ang pangalan ng celebrity couple dahil blind item nga ito, obyus namang sina Angel at Phil ‘yun. Sila nga lang naman ang pinaka-latest celebrity couple na umamin na officially on na sila.
Dahil dito, knowing tayong mga Pinoy, naging tampulan kaagad ng mga jokes at mga kuwento ang blinditem na nabanggit. Pero kung kami ang tatanungin, ano naman ang masama kung totoo ngang nagpatuli si Phil Younghusband? Karapatan at choice niya  ‘yun?
-MyBulgar Boses ng Masa, Mata ng Bayan-

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...