hxSRoM3FI6iR4DIkdlU6Vqb2SdY The Gabble Mouth: GAY+WAY

Saturday, September 29, 2012

GAY+WAY




Paglabas pa lang ng L.R.T.
Nagkalat na ang mga beki.
Natalo ang bathhouse sa dami....
In fairness ha! Walang entrance fee!

Sa pagpasok, napa-O.M.G.
sa body na napaka-yummy.
Walang panama si Papa P.
Pero, parang shrimp sa KFC.

Sa may C.R., biglang nangati.
May machong makalaglag panty.
Pero, suriin nang mabuti,
kung kumendeng daig pa sexy.

Sa taas, tumingin ng movie.
Ticket na pala ay one-eighty.
Mag-pray lang na may makatabi,
“Sana kahawig ni Sam Milby.”

Sa F&H ay namimili,
ang milyonaryong si Don Pappy.
Instant jackpot! Parang Wowowee.
Kung mapipiling lucky baby.

Kapag bumaba sa main lobby.
Doon, tambay ang mga prosti.
Mag-ingat, friend, baka mategi,
O, mahawaan ng S.T.D.

Last rampa na bago gumabi.
May estudyanteng super cutie
Isang ngiti ang magsasabi
sa Sogo na maglilibrary.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...